Saturday, November 19, 2016

Salamat Po Atty. Raymond Fortun

In a Facebook post made public Friday (Nov. 18), Fortun said: “Forget about the legalities of burying a dead President. We should all be scared when the Rule of Law is defied. The AFP and PNP knew that the SC (Supreme Court) decision was not yet final; yet, they assisted the Marcos family at high noon today.”

If cops and soldiers completely ignored the law to carry out the hero’s burial for Marcos, Fortun wondered what legislation they’re capable of breaking next.

“What’s the next law that they will disregard, the writ of habeas corpus? The prohibition against the imposition of martial law? Can we still sleep soundly at night knowing that our armed forces are the law breakers?” he asked.

Pagsasalin sa Tagalog

"Kalimutan na natin ang legalidad ng paglibing sa isang patay na Pangulo. Dapat tayong matakot kapag ang Alituntunin ng Batas (Rule of Law) ay hindi nasunod. Alam ng AFP at PNP na hindi pa pinal ang desisyon ng Korte Suprema; ngunit, tinulungan nila ang pamilya ng Marcos ngayong tanghali."

Kung ang mga polis at ang mga sundalo ay ganap na binalewala ang batas para isagawa ang bayaning paglibing kay Marcos, ipinagtataka ni Fortun kung ano ang susunod na batas na kanilang ilalabag.

"Ano ang susunod na batas na kanilang ipagwawalang-bahala, ang writ of habeas corpus? Ang pagbabawal sa pagpataw ng batas militar (martial law)? Makakatulog ba tayo sa gabi sa kaalaman na ang ating Sandatahang Lakas ang mismong nagwawasak ng ating batas?" ang tanong ni Fortun.

Si Atty. Fortun ang nagdepensa kay Erap noong pagtataluwag na pagsubok (impeachment trial) ni Erap sa Senado. Kapag yumao si Estelito Mendoza, marahil si Atty. Fortun ang tatakbuhan ng mga mandarambong ng kaban ng bayan para idepensa sila sa korte. Subalit si Atty. Fortun mismo ang nababahala na, sa halip na gampanan ang kanilang trabaho na itaguyod at itupad ang batas, ang polis at sundalo ng sambayanang Pilipino ang siyang lumalabag sa batas para silbihan ang mga Marcos sa utos ni Digong.

Hoy, mga taksil at bayaran sa Korte Suprema, mahimasmasan naman sana kayo! Si Atty. Fortun, tanyag na abogado para sa mga pinakamataas magbayad, ang nagsasalita. Siya nga na may karapatan na perahan ang kanyang mga kliente bilang isang pribadong abogado ay hindi makapigil na ipahayag ang sinaloobin ng kanyang budhi, kayo pa na tumatanggap ng suweldo sa pawis at hirap ng mga mamamayan ang nagtatago sa likod ng teknikalidad at mga kanipisan ng batas upang sugpuin ang tunay na hustisiya at ang tunay na historiya ng sambayanang Pilipino.

Hindi niyo ba naisip na isa sa dahilan na pinaspasan ng mga Marcos ang paglibing ng diktator ay para makatipid sa pagsusuhol sa inyo? Kung bayaran din lamang ang habol ninyo, ang Motion for Reconsideration ng mga Petitioners ay isa na namang pagkakataon na perahan ang mga Marcos. Sa madaling salita, ibig pa nilang gulangan kayo. Pati sa usapang kriminal, ang mga Marcos ay wala ring karangalan sa hanay ng mga magnanakaw.

Sana nga ay huwag na ninyong baliktarin ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Nagsisilbing babala ang nangyari kay Erap noong hindi pinayagan ng mga taksil sa Senado na buksan ang sobreng naglalaman ng impormasyon sa bank account ni Jose Velarde. Ang pag-abuso ng Senado noon ang naging mitsa ng pagtalsik kay Erap noon at ang pag-aabuso ng Korte Suprema ngayon ang siyang magiging mitsa ng pagpapatalsik ng sambayanang Pilipino kay Digong.

No comments:

Post a Comment