Mahal naming Bise Presidente Leni,
Noong nanalo po kayo bilang Bise Presidente, hindi ko po maiwasan maisip na may pag-asa pa ang Pilipinas. Dahil sa sangkatutak na nakaw na pera na hindi pa naibabalik ng mga Marcos sa kaban ng bayan at siyang ginagamit ni Bong Bong para suhulan ang mga botante at mga bayaran sa social media, wala po kayong kalaban-laban. Ngunit sa kabila ng pambihirang nakaw na yaman na nagpupumilit na ipanalo si Bong Bong at biguin ang tunay na demokrasya ay umiral pa rin ang katotohanan at kayo ang nahalal bilang Bise Presidente ng Pilipinas.
Mahalaga na maunawaan ng sambayanang Pilipino na maihahambing ang kampanya ninyo laban sa kampanya ni Bong Bong kay David at Goliath. Wala po kayong ka pera-pera upang ilunsad ang inyong kampanya subalit walang hangganan ang kaperahan ng nakaw na yaman ng mga Marcos na pinapalimos lamang ni Bong Bong (lalong-lalo na sa mga pinakamahirap at pinaka-mangmang sa ating lipunan) para gawing perahan at putahan ang ating demokrasya at bilhin ang posisyon ng Bise Presidente. Sa madaling salita, kung hindi dahil sa nakaw na yaman ng mga Marcos na siyang pinagmulan, pinagkukunan at nagbibigay-buhay sa pampulitikang karera ng mga Marcos (tulad ni Bong Bong, Imee at Imelda) ay tiyak na nilampaso ninyo ang boto na pabor sa inyo bilang Bise Presidente.
Ang pinapalabas ng mga Marcos na malapit ang labanan ninyo ay isang malaking kasinungalingan at kawaling-hiyaan, tulad ng karamihan ng mga pahayag nila. Kung naibalik ang nakaw na yaman ng mga Marcos at tanging patas ang labanan, siguradong patay na ang karera sa politika ni Bong Bong o sino man sa mga Marcos. Ngunit dahil wala pang US$4 billion ang naibalik at napakalaki pa ang halaga ng nananatili sa at pinagsasasaan ng mga Marcos, pera-perahan, baya-bayaran at suhu-suhulan ang kanilang patakaran upang budburan ng katakot-takot na pabango ang kanilang mabaho at bulok na angkan.
Ang importante ay kayo ang nagwagi at may pag-asa ang Pilipino! Pagkatapos kong samsamin ang inyong pagkapanalo ay naramdaman ko naman ang awa, dahil, sa gusto niyo o hindi, ay napakalaki ng responsibilidad na napatong sa inyong balikat--pati na rin sa inyong mga anak na babae. Bakit kasi ang pinakamabubuting tao ang maagang dinudukot ng Maykapal? (Tinuturi ko po ang inyong mabuting asawa.) Nakapagtataka naman kung bakit hindi pa hugutin at hampasin ng demoniyo sa impiyerno ang mga tulad ni Tanda, Boss Danding, Erap at Binay?
Napakabigat at napakahirap ang inyong kasalukuyang kalagayan bilang Bise Presidente. Tulad ng nakararaming Pilipino, nais po ninyong suportahan ang Pangulo, dahil ang kanyang tagumpay ay tagumpay ng buong bayan. Ngunit tulad din ng nakararami at mas dumadaming Pilipino, tiyak na nakikita na ninyo (mas maliwanag pa po sa sikat ng araw) ang kasiraan na idinudulot at higit na idudulot pa ng Pangulo, lalong-lalo na sa mga gawaing nagpapalakas sa hanay ng mga Marcos. Kasama na rito ang kapansin-pansin na pahayag ng Pangulo na nais niyang magtagumpay si Bong Bong sa pagpalit sa inyo bilang Bise Presidente. Samantala puro kabastusan ang mga sinasabi ni Digong kaugnay sa inyo na nakaka-insulto hindi lamang sa inyo, kung hindi sa buong kababaihan, sa Opisina ng Pangulo at sa buong sambayanang Pilipino.
Mam Leni, ayaw ko pong dagdagan ang inyong problema pero kailangan na kailangan po kayo ng ating mamamayan. Hindi na po bilang Bise Presidente, pero bilang Lider ng Bayan upang paalisin si Digong. Opo, nagkataon ay ikaw ang magiging Pangulo pagkatapos mapatalsik si Digong. Siguradong ibabatikos ng mga maka-Digong at maka-Marcos na gusto niyo lamang mag-agaw ng kapangyarhian (na hindi naman totoo), ngunit dapat lang ito mangyari dahil kayo ang tunay na nahalal na Bise Presidente.
Kailangan ng Bayan ngayon ay ang mangunguna sa oposisyon laban kay Digong, samanatalang pinapaspasan niya ang pagpapalakas sa mga hanay ng Marcos. Kung patatagalin pa natin ang pagka-Pangulo ni Digong ay tiyak na si Bong Bong ang magiging susunod na Pangulo ng Pilipinas at muling malulunod ang Bayan sa impiyerno.
Ang kasalukuyang desisyon ng Korte Suprema na payagan ang paglibing ng diktator sa Libingan ng mga Bayani, bagamat hindi pa pinal, ay siyang mitsa ng ating paghihimagsik. Tiyak na hindi na magbabaliktad ang Korte Suprema o si tutang Digong dahil sa pagpupumilit na utos ng mga Marcos.
Ang pangunahing tagapagsalita ni Digong na si Martin Andanar ang nagtawag na "temperamental brats" sa mga tumututol sa paglibing ng diktator sa Libingan ng mga Bayani--karamihan ay nakaranas ng pag-aabuso sa panahon ng diktatorya. Samantala ang pamilya ng diktator ay nagpakasasa sa panahon ng diktatorya hanggang sa ngayon sa nakaw na yaman na galing sa kaban ng bayan. Sila pa ang nagpupumilit na ituring bayani ang magnanakaw at diktator. Ang tanong kay Andanar, sino ngayon ang brat at sino ang nararapat na pigilan na makabalik sa poder?
Hindi natapos ni Erap ang kahit kalahati ng kanyang termino dahil sa kanyang pandarambong. Pera ng kaban ng bayan ang ninakaw ni Erap at, dahil dito, siya ay sinibak ng tao. Labis na malala ang kasalanan ni Digong. Hinahain niya sa pilak na pinggan ang integridad at kaluluwa ng sambayanang Pilipino para lamunin ng demonyo at, dahil dito, dapat siyang patalsikin sa mas lalong madaling panahon.
Ang problema ay, dahil sa kalalilam at kalubhaan ng katiwalian sa pamahalaan noong panahon ni Marcos (na napakahirap ituwid) at sa katagalan ng panahon, nalusaw ang ating paninindigan noong sinuka natin ang Diktador at tuluyang bumabalik na nga ang lahat ng kasinungalian at pag-aabuso sa gobyerno. Higit pa rito ay wala na halos pinagkakatiwalaan ang mga mamamayan at napapaniwala pa sila ng mga pinakamasahol na politiko tulad ng mga hanay ni Marcos na kasama si Digong.
Bagamat gusto ng karaniwang mamamayan magkaisa laban kay Digong at mga Marcos, watak-watak at hindi makipag-ugnayan ang mga sari-saring grupo ng oposisyon. Itong kakulangan sa pagkakaisa ay nakikita at pinagsasamantalahan ng mga Marcos na gamit-gamit si Digong. Palibhasa ay pera-perahan at baya-bayaran lamang ang pag-aalyado ng mga Marcos (sa mga Enrile, GMA, Danding, Binay, Erap, Misuari at iba pang masasahol na pamilyang pulitika sa Pilipinas) ay napakabilis nila makabuo ng alyansang pangungunahan ni Bong Bong upang sunggaban at paghatian ang kaban ng bayan sa unang pagkakataon.
Mam Leni, kayo ang kailangan para magkaisa ang mamamayang Pilipino at hindi maulit ang madilim na panahon ng mga Marcos sa Pilipinas. Opo, kailangan natin sina Satur Ocampo at Neri Colmenares ng Bayan Muna, sina Bonifacio Ilagan ng CARMMA, sina Edcel Lagman at Teddy Baguilat sa Kongreso, sina Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Bam Aquino sa Senado, Akbayan, Makabayan, FVR, P-Noy, Mar, UP, Ateneo, La Salle, lahat ng paaralang pribado at pampubliko, Maris Diokno, Etta Rosales, Leah Navarro, Sharon Cuneta, Makati Business Club, ang mga Pula, ang mga Dilaw, Bangsamoro, ang mga biktima ng mga Marcos at ng Batas Militar, ang mga biktima ng EJK, civil libertarians, professionals, millennials at marami pang iba na naghahangad ng lipunan na ligtas sa kultura ng kasinungalingan, panloloko, gahaman, pandarambong at pag-aabuso ng mga Marcos. Ngunit kailangan namin kayo upang maisantabi ang anumang pagkakaiba o alitan para sa kabutihan ng lahat.
Inaasahan ni Digong at ng mga Marcos na mananatiling watak-watak ang oposisyon at madaling pigilan o wasakin. Tulad ng kasabihan, "United we stand, divided we fall." Kung hati-hati, tayo ay babagsak. Ngunit sa pangunguna ninyo, Mam Leni, tayo ay magkakaisa at magtatagumpay laban kay Digong at sa mga Marcos!
Sana ay bigyan ninyo ng pansin ang hinahangad ng nakararaming Pilipino na namulat na sa tunay na kalagayan ng ating Bayan sa ilalim ni Digong at ng mag Marcos.
Maraming salamat po.
This blog was initiated as a citizen's protest against the burial of Marcos at the Libingan ng mga Bayani, which then appeared to be the ultimate gesture of Dutae's tyranny. It has since become a chronicle of Dutae's corruption, ineptitude and impunity, as well as the apparent resurgence of the Marcos political dynasty--which breaks my heart. The Philippines has come full circle and is once again in a downward spiral to hell--a repeat of Marcosian tyrannical rulers enslaving the Filipino people.
Wednesday, November 23, 2016
Saturday, November 19, 2016
Salamat Po Atty. Raymond Fortun
In a Facebook post made public Friday (Nov. 18), Fortun said: “Forget about the legalities of burying a dead President. We should all be scared when the Rule of Law is defied. The AFP and PNP knew that the SC (Supreme Court) decision was not yet final; yet, they assisted the Marcos family at high noon today.”
If cops and soldiers completely ignored the law to carry out the hero’s burial for Marcos, Fortun wondered what legislation they’re capable of breaking next.
“What’s the next law that they will disregard, the writ of habeas corpus? The prohibition against the imposition of martial law? Can we still sleep soundly at night knowing that our armed forces are the law breakers?” he asked.
Pagsasalin sa Tagalog
"Kalimutan na natin ang legalidad ng paglibing sa isang patay na Pangulo. Dapat tayong matakot kapag ang Alituntunin ng Batas (Rule of Law) ay hindi nasunod. Alam ng AFP at PNP na hindi pa pinal ang desisyon ng Korte Suprema; ngunit, tinulungan nila ang pamilya ng Marcos ngayong tanghali."
Kung ang mga polis at ang mga sundalo ay ganap na binalewala ang batas para isagawa ang bayaning paglibing kay Marcos, ipinagtataka ni Fortun kung ano ang susunod na batas na kanilang ilalabag.
"Ano ang susunod na batas na kanilang ipagwawalang-bahala, ang writ of habeas corpus? Ang pagbabawal sa pagpataw ng batas militar (martial law)? Makakatulog ba tayo sa gabi sa kaalaman na ang ating Sandatahang Lakas ang mismong nagwawasak ng ating batas?" ang tanong ni Fortun.
Si Atty. Fortun ang nagdepensa kay Erap noong pagtataluwag na pagsubok (impeachment trial) ni Erap sa Senado. Kapag yumao si Estelito Mendoza, marahil si Atty. Fortun ang tatakbuhan ng mga mandarambong ng kaban ng bayan para idepensa sila sa korte. Subalit si Atty. Fortun mismo ang nababahala na, sa halip na gampanan ang kanilang trabaho na itaguyod at itupad ang batas, ang polis at sundalo ng sambayanang Pilipino ang siyang lumalabag sa batas para silbihan ang mga Marcos sa utos ni Digong.
Hoy, mga taksil at bayaran sa Korte Suprema, mahimasmasan naman sana kayo! Si Atty. Fortun, tanyag na abogado para sa mga pinakamataas magbayad, ang nagsasalita. Siya nga na may karapatan na perahan ang kanyang mga kliente bilang isang pribadong abogado ay hindi makapigil na ipahayag ang sinaloobin ng kanyang budhi, kayo pa na tumatanggap ng suweldo sa pawis at hirap ng mga mamamayan ang nagtatago sa likod ng teknikalidad at mga kanipisan ng batas upang sugpuin ang tunay na hustisiya at ang tunay na historiya ng sambayanang Pilipino.
Hindi niyo ba naisip na isa sa dahilan na pinaspasan ng mga Marcos ang paglibing ng diktator ay para makatipid sa pagsusuhol sa inyo? Kung bayaran din lamang ang habol ninyo, ang Motion for Reconsideration ng mga Petitioners ay isa na namang pagkakataon na perahan ang mga Marcos. Sa madaling salita, ibig pa nilang gulangan kayo. Pati sa usapang kriminal, ang mga Marcos ay wala ring karangalan sa hanay ng mga magnanakaw.
Sana nga ay huwag na ninyong baliktarin ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Nagsisilbing babala ang nangyari kay Erap noong hindi pinayagan ng mga taksil sa Senado na buksan ang sobreng naglalaman ng impormasyon sa bank account ni Jose Velarde. Ang pag-abuso ng Senado noon ang naging mitsa ng pagtalsik kay Erap noon at ang pag-aabuso ng Korte Suprema ngayon ang siyang magiging mitsa ng pagpapatalsik ng sambayanang Pilipino kay Digong.

Friday, November 18, 2016
Sobra na . . . umalis ka na diyan!
Hindo ko na po mapigil ang aking lungkot at galit sa mga kaganapan sa ating mahal na bayan. Lumipas ang aking kaarawan noong November 8, 2016 at napakasaklap ng balita noong araw na iyon. Hindo ko na magawa ang ipagdiwang ang aking kaarawan pagtapos babuyin at gahasain muli ng Korte Suprema ang ating sambayanan. Sobra na!
Hindi ba halos US$4 billion na nakaw na pera ang naibalik na sa ating pamahalaan na galing sa pamilya ni Marcos at kanilang mga crony at mas malaki pa ang kulang na hindi pa naibabalik?
Hindi ba libo-libong tao ang pinapatay at mahigit pa ang na-torture sa diktatura ni Marcos?
Si Ferdinand Marcos po ang siyang pinaka-dokumentado at pinaka-masahol na kriminal sa buong kasaysayan ng Pilipinas at sabi ng Korte Suprema na dahil wala raw maski isang criminal conviction si Marcos sa mga sangkatutak na kaso na isinampa sa kanya, kaya puwede siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
Ano ba naman iyan?! Napakalinaw na pinapalusot lamang ng Korte Suprema ang mga Marcos at binabalewala nila ang karapatan at sinaloobin ng mas nakararaming Pilipino na naghirap at nagdusa sa panahon ng diktatura. Hindi nakakatulong na tuta at bayaran ng mga Marcos si Digong.
Sabi ni Digong na ayaw niyang i-appoint si Leni sa kabinete dahil ayaw daw niyang saktan and damdamin ni Bong Bong? Ubod pa sa kanya ang damdamin ng isang tao na buong buhay ay nagpapakasasa sa ninakaw sa kaban ng bayan sa damdamin ng 14,418,817 na nagboto kay Leni? Oo nga, na-appoint din si Leni pero alam na natin ang tunay na sinaloobin ni Digong. Hindi rin niya tinatago ang nais niyang magtagumpay na walang kuwentang kaso ni Bong Bong sa COMELEC para ibuwag sa puwesto si Leni. Bukod dito ang mga malalaswa na pahayag niya kaugnay kay Leni, na lubos na nakaka-insulto kay Leni at sa buong kababaihan ng Pilipinas. Baboy talaga.
Sabi rin ni Digong na napakalaking nabigay na pondo ni Imee sa kanyang kampanya, pero hindi naman niya ito ipinaalam sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures sa COMELEC. Baboy na, sinungaling pa.
Sabi ni Digong lalabanan niya ang korapsyon sa gobyerno.
Bukod sa pondo na tinanggap niya kay Imee, tumanggap din siya ng P75 million na kontribusyon para sa kanyang kampanya galing kay Antonio "Tonyboy" Floirendo Jr., anak ng yumaong Antonio Sr., isang Marcos crony na nagkasunduang kompromiso sa PCGG noong 1987 at ibinalik ang ilan sa mga nakaw na kaarian ni Marcos sa PCGG na ibinenta pagkatapos. Kasama dito ang kaarian sa Beverly Hills, California na nabenta noong 1994 sa halagang US$2.5 million, ang kaarian sa Makiki, Hawaii na nabenta noong 1995 sa halagang US$1.35 million at ang Lindenmere Estate sa New York na nabenta noong 1996 sa halagang US$40 million. Kasunduang kompromiso o "compromise agreement" ang tawag dito dahil hindi na kinulong si Antonio Sr. na kasabwat ni Marcos sa pagnanakaw at may malaking bahagi ng nakaw na kayamanan na hindi na ibinalik sa gobyerno. Hindi nakapagtataka na parang tinae lang ni Tonyboy Jr. ang P75 million na kontribusyon kay Digong, palibhasa bunga ito ng pandarambong ni Marcos.
Pinalaya niya si Enrile bagamat "non-bailable" offense ang kaso ni Tanda. Sa mga matagal nang nabuhay sa Pilipinas ay alam natin na kung gaano karami ang ninakaw at pinapatay ni Marcos ay hindi na mahuhuli ang ninakaw at pinapatay ni Enrile. Tapos ganoon lang siya pinakawalan na hindi naman nakasaad sa batas. Palusot ulit ng Korte Suprema na matanda na raw kasi si Enrile at dapat kaawaan. Ang lagay niyan ay walang parusa rin si Enrile, tulad ng walang parusa sa mga Marcos.
Ang tanong ay bakit tinutulungan ni Digong at ng mga Marcos si Enrile, palibhasa taksil siya kay Marcos noong panahon ng People Power Revolution? Ang sagot diyan ay simple lang. Dahil bumalik na naman sa hanay ng mga Marcos si Enrile, lalong-lalo na't nasa poder sila muli. At dahil pinapangarap ni Bong Bong na maging presidente ng Pilipinas, maliit na bagay sa politiko na magpatawad ng kataksilan kapalit ang suporta sa panahon na lumaban si Bong Bong bilang presidente. Kapag sa hanay nila si Enrile, tapos na ang laban sa Cagayan Valley.
Pina-absuwelto niya si GMA. Eh, si GMA ang kaisa-isahang pangulo, sa pamamagitan ng pagmamaniobra at pangangwarta ni First Gentleman, na ibinalik ang nakaw at tago na yaman ni Marcos at kanyang mga crony para kontrolahin muli ang pinakatanyag na mga korporasyon sa Pilipinas, tulad ng San Miguel, Petron, Philippine Airlines, mga expressway, ilan sa mga planta ng NAPOCOR na ngayon ay nasa kaarian ng pribadong sektor, at iba pa. Kaya nararapat lang na burahin ni Digong ang mga kaso laban kay GMA, dahil utos din ito ng mga Marcos. Kapag lumaban si Bong Bong bilang presidente, tapos na rin ang laban sa Pampanga. At dahil tuta ni GMA ang mga Abalos, tapos na rin ang laban sa Lunsod ng Mandaluyong.
Ang mga tunay na benepisyaryo ng Coco Levy Fund ay muling mabibigo sa kaka-intay dahil mayroon pang isang batas na dapat ipasa bago ito mabahagi sa mga nararapat na tao. Bagamat nahatulan na ng Korte Suprema na hindi na puwedeng angkinin ni Boss Danding Cojuangco ang Coco Levy Fund (tulad ng ginawa niya kasama ni Marcos sa panahon ng diktatura), hindi ito padadaliin ni Digong dahil ayaw din niyang sumama ang loob ni Boss Danding na malapit sa mga Marcos. Kapag lumaban si Bong Bong bilang presidente, tapos na rin ang laban sa Tarlac at Pangasinan na siyang kontrolado ni Boss Danding.
Bakit kaya hindi pa nakakulong si Jejomar Binay, samantalang napakatindi ng ebidensya ng pandarambong laban sa kanya sa Ombudsman? Tiyak na kasalukuyang may nilulutong kasunduan na tago at sa likod ng sambayanan para ipagliban ang kaso ni Binay. Inumpisahan na ni Digong ang pagpabor sa pamilyang Binay sa pag-absuwelto ng Sandiganbayan kay Elenita Binay. Si Jejomar naman ay hindi na ipakukulong, pero dapat niyang ipanalo si Bong Bong pagdating ng panahon. Marami pa ang sumusuporta kay Binay (maski na magnanakaw siya tulad ni Marcos), kaya marahil ay tapos na rin ang laban sa Makati.
Tulad ni Binay na maraming tagataguyod sa Makati, ganoon din si Erap na maraming tagataguyod sa San Juan at sa Lunsod ng Maynila (maski na nahatulan na siya bilang isang mandarambong). Alam din natin na matagal nang sinusuportahan ni Erap si Marcos, ano pa kaya kung pakawalan din si Jinggoy, tulad ni Enrila at ni GMA? Napakalaking pabor ito sa kay Erap na tiyak na ipaglalaban niya si Bong Bong pagdating ng panahon. Tapos na rin ang laban sa San Juan at sa Lunsod ng Maynila.
Kung tutuusin, lahat ng nabanggit (mga Marcos, Floirendo, Enrile, GMA, Danding, Binay, Erap) ang pinakapambihirang mga mandarambong sa kaban ng ating bayan. Sa halip na labanan ni Digong ang korapsyon sa gobyerno, nakikipagsabwatan pa siya sa mga pinakamasahol at pinakakorap na mga opisyal at politiko na may malawak pang impluwensiya sa kani-kanilang lugar upang itaguyod ang mga Marcos sa pinakamakapangyarihang posisyon upang abusuhin, gahasain, yariin at nakawan muli ang sambayanang Pilipino. Ito ba ang pangako ni Digong na labanan ang katiwalian sa pamahalaan?
Higit sa nakikipagsabwatan si Digong sa mga nasabing masasahol na politiko, inaakit pa niya ang mga terorista sa ating bayan na tulad ni Misuari at mga militanteng komunista. Ito ay mga salot sa ating bayan na hindi dapat bigyan ng anumang papel sa isang sibilisadong lipunan. Palibhasa kanto-boy ang asal ni Digong, maaaring hindi niya ito naiintindihan. Maaari rin na sadya ni Digong makipag-ugnay sa mga hayop na ito para lang makakamit ng mas suporta sa pagluklok kay Bong Bong sa pagkapangulo. Parang binubugaw ni Digong ang puri ng ating kababaihan para lamang sa kapakanan ng mga Marcos. Anong klaseng tuta-tutaan ang Digong na ito?
Darating din ang panahon na mamumulat ang diwa ng mga mamamayan at mauunawan nila ang tunay na kasiraan na ginagawa ni Digong sa ating bayan. Ngunit bago pa ito mangyari at habang maayos pa ang kalagayan ng ating ekonomiya (kapansin-pansin ang mabilis na paglusaw ng halaga ng piso sa merkado pagtapos ng ilang buwan ng pagkapangulo ni Digong) ay inunahan na tayo ni Digong sa pag-akit (kapansin-pansin ang pagbisita at pa-pogi ni Digong sa halos lahat ng kampo militar sa umpisa ng kanyang pagkapangulo) at sa pambihirang pagsuhol sa polis at militar--na gamit ang kaban ng bayan. Tulad ni Marcos, alam ni Digong na pagnaubos na ang pasiyensiya ng mga tao sa kanyang kabalastugan at sa palubog na naman ang ating ekonomiya ay pilit siyang itatangal sa puwesto, kaya dapat kakampi niya ang mga may hawak ng baril. Bago lang siya bilang Pangulo ay mas mabilis pa sa alas kuwatro na inanunsiyo ang pagtaas ng suweldo at benepisyo ng mga polis at sundalo. Kaya naman sa oras na magkapitpitan ng bayag, inaasahan ni Digong ang katapatan ng mga polis at sundalo sa kanya--hindi sa taong bayan.
Hindi pa nga nag-umpisa (pangako pa lang) ang pagtaas ng suweldo sa polis at sundalo ay nagkakandarapa na sila sa sikreto, patago, panakaw at pinaspasang paglibing sa diktador. Ano pa kaya pagnadagdagan na ang kanilang suweldo (na galing din naman sa buwis ng mga mamamayan)? Marahil ay babalik na naman ang asal ng mga polis at sundalo tulad noong panahon ng diktador--personal army at bodyguard ng pangulo at ng mga Marcos.
Ang malawakang balimbingan na nasaksihan ng buong sambayanan sa hanay ng lehislatura noong nanalo si Digong bilang pangulo ay hindi na nakapagtataka. Matagal nang ganyan ang patakaran dito. Sobrang garapal na lang ngayon at harap-harapan na pagwawalang-hiya. Pork barrel at perahan lamang ang nag-uudyok sa ating mga taksil na representante. Ang Liberal Party na siyang pinakamalakas na partido sa nakaraang administrasyon na dapat nagsilbing oposisyon kay Digong ay natunaw na parang maliit na yelong tinapon sa malaking apoy. Ngayon ay mabibilang natin sa iilang daliri ng ating kamay ang mga miyembro ng kongreso at senado na may lakas loob na punahin ang mga kagagawan ni Digong. Sa buong kasaysayan ng demokrasya ng Pilipinas, ito na ang pinaka-inutil na bayarang lehislatura na susunod-sunuran kay Digong--tulad ng Batasang Pambansa na tuta-tutaan sa panahon ni Marcos. Mas mabuti pa kaya ay sunugin na lang natin ang napakahalagang buwis na winawaldas lamang sa mga walang kakuwenta-kuwentang mambabatas. Menos pa ang pinsala sa ating lipunan.
Kagustuhan man natin o hindi, noong binuwag natin sa poder si Marcos, ay nakialam ang gobyerno ng America. Bagamat nakatulong ang Amerika sa pagtanggal kay Marcos noong hininto nila ang suporta sa diktator, binigo rin ng Amerika ang tunay na kapalaran ng Pilipino na tiyak na kinatay ang buong pamilya ni Marcos kung hindi sila tinangay ng Amerikano sa Hawaii. Puwes, para sa susunod na kabanata ni Marcos sa darating na panahon ni Bong Bong, mayroon nang plano si Digong. Aawain niya ang Amerika para hindi na sila makialam sa mga pangyayari sa Pilipinas. Lalong-lalo na't nanalo bilang Presidente ng Amerika si Donald Trump na walang kapaki-pakialam sa mga pangyayari sa ibang bahagi ng mundo, ganoon lang ang tuwa ni Digong na hahayaan ang lahat ng kanyang pagmamaniobra maski na labag ito sa karapatan ng mga mamamayan. Ito rin ang dahilan na kinakaibigan ni Digong ang China, sapagkat wala namang budhi ang China. Mas gusto pa nga ng China na magkagulo, magkandarapa at tuloy na humina ang Pilipinas, para wala na silang hadlang sa pagsakop ng West Philippine Sea.
Maihahambing ko ang pag-akit ni Digong sa China sa isang walang-kuwentang ama na nakikipagnegosyo sa isang mayaman at makapangyarihang kriminal na ginagahasa ang kanyang anak na babae. Nakakadiri! Sa pamamagitan ng kaniyang sariling halimbawa, ipinalalabas ni Digong sa buong mundo na ang Pilipino ay isang hindi kanais-nais na madumi ang bibig at bastos na tao. Wala na akong maisip na mas hihigit pa sa kasiraan ng imahe ng Pilipino kaysa kay Digong at ang pagbabalik ni Bong Bong Marcos sa poder. Bastos na, tanga pa--iyan ang magiging imahe ng Pilipino sa buong mundo kung manatiling Pangulo ng Pilipinas si Digong at kung mailuklok na Pangulo ng Pilipinas si Bong Bong.
Noong naging Pangulo si Erap, naisip ko na ito na ang pinakamababang antas na mararating ng sistemang politika sa Pilipinas--ika nga "rock bottom". Sa awa ng Diyos, hindi nagtagal at napaalis natin siya sa puwesto, at napatunayan at nahatulan natin siya sa pandarambong. Ngunit saglit lang ang napuna kong pag-asa sa bayan noong payagan si Erap ng Korte Suprema na tumakbo bilang alkalde ng Lunsod ng Maynila na tuluyan niyang napanalo hanggang sa kasalukuyan. Ganoon pa man, nananatili kahit kakaunti ang porma ng isang opisyal sa anyo ni Erap, bagamat kahina-hinala ang kanyang sangkap.
Ngayon na Pangulo si Digong, ang sistemang politika ng Pilipinas ay nasailalim na sa bundok ng dambuhalang bato. Puro kabastusan at kahihiyan ang kanyang naidudulot at walang karespe-respeto sa Opisina ng Pangulo. Parang isang saglit lamang ang lumipas sa pamumuno ni Digong at tuloy-tuloy nang bumagsak ang tatlong haligi ng ating pamahalaan sa isang perahan at putahang pangkunwaring demokrasya. Lahat, pati ang kaluluwa, ay binibenta at binibili. Ganap na panis ang sangkap at anyo ni Digong, tulad ng mga Marcos na kanyang amo. Kaya kung hindi natin pinayagan si Erap na tapusin kahit kalahati ng kanyang termino, dapat natin patalsikin si Digong sa mas lalong madaling panahon.
Paano ba tayo nagkaganito? Bukod sa kahirapan at kakulangan ng edukasyon na hanggang ngayon ay laganap sa Pilipinas, mayroon akong isang teorya ng sanhi ng kasalukuyang paglubog at paglusaw ng integridad ng ating lipunan. Dahil sa kakulangan ng pagkakataon ng ating lokal at limitadong ekonomiya, maaaring dalawang henerasyon na ng mga magulang, ama at ina sa Pilipinas ang naghahanap-buhay, nagtatrabaho at nagsasapalaran sa ibang dako ng mundo upang tustusin ang kabuhayan ng kanilang pamilya. Sila ang Overseas Filipino Worker o OFW na kasalukuyang tinuturing mga bagong bayani ng Pilipinas. Dahil sa mga OFW, bilyon-bilyon na pera (halos US$30 bilyon sa buong taon ng 2016) ang pinapadala sa kani-kanilang mga pamilya sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Ngunit sa kabila ng mas maginhawang buhay na dulot ng padalang pera ay ang paghiwalay ng pamilya at ang kakulangan ng gabay ng mga magulang sa kanilang anak. Malimit ay tuluyang naghihiwalay ang mag-asawa--dahil sa lungkot at tukso na nararanasan sa ganitong kalagayan--at hindi maiwasan na maapektuhan ang mga anak.
Ikumpol-kumpol natin ang lahat ng ganitong pangyayari sa buong Pilipinas sa katagalan ng halos apat na dekada at maaaring masilip at maunawaan natin ang tinatawag na "social cost" ng kasaysayan ng OFW at ng ating sambayanan. Mayroon tayong dalawang henerasyon na mga anak ng maraming OFW na nabuhay na may malaking kakulangan at kawalan. Maaaring sapat ang kanilang pagkain, pananamit at pabahay. Maaaring sobra-sobra pa ang kanilang mga laruan at nakatapos pa sa pag-aaral, ngunit walang kapalit sa araw-araw at personal na gabay ng sariling magulang--isang bagay na hindi mabibili ng salapi. Dahil sa kakulangan o kawalan ng kinaroroonan ng magulang, padalang pera ang ginagamit para solusyonan ang problema at dito ang ugat ng paglusaw ng pamilyang Pilipino.
May kasabihan na ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Kung mahina ang kinatatayuan ng pamilya, ito ang simula ng paglusaw ng lipunan. Hindi ko binabalewala ang napakalaking tulong ng mga OFW sa ekonomiya ng bayan, noon hanggang ngayon. Malaki ang ating utang na loob sa kanila. Ngunit hindi ko maalis sa aking isipan ang napakaraming mamamayan na mukhang hindi nakakakilala ng tama sa mali. Ika nga, parang hindi naturuan ng magulang. At dahil dito, nahalal ang isang malubhang pagkakamali na ikasisira ng bayan: Digong.
Hinambing ni Digong ang kanyang sarili kay Hitler na siyang nagpakana ng "Holocaust" na pumatay ng anim na milyong Hudyo (6 million Jews) sa panahon ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig (World War 2). Tumpak siya! Pareho silang masahol, si Digong at si Hitler. Pero hindi ko tinutukoy ang mahigit-kulang na tatlong milyong taong-droga na papatayin ni Digong, tulad ng pagpatay ni Hitler sa mga Hudyo. Tinutukoy ko ang 16,601,997 na botante na nahikayat, naloko o nabola ni Digong na bumoto para sa kanya, tulad ng nakararaming Aleman na nahikayat ni Hitler na sundin ang kanyang programa sa bayan ng Alemanya, na ngayon ay kinikilalang "German Collective Guilt" o Kolektibong Pagkakasala ng Aleman. Tumpak ang paghambing ni Digong kay Hitler, dahil tulad ni Hitler, ang daan na tinatahak niya para sa sambayanang Pilipino ay direkta sa impiyerno. Kung baga sa laro ng chess, ang bawat galaw niya na utos ng mga Marcos ay patungo sa "checkmate" para muling sunggaban, abusuhin, yariin at nakawan ang mga mamamayan sa tuta-tutaan niyang liderato sa ilalim ng mga Marcos. Matagal nang putahan at bayaran ang Lehislatura, higit pang bumahong putahan at bayaran ang Korte Suprema at ang pinakatanyag na puta at bayaran ay ang ating kasalukuyang pangulo.
Samantala ay binubugaw ni Digong ang FEDERALISM bilang solusyon sa mga problema ng ating bayan, habang tinututulan niya ang anumang panukala na ilusong at ipasa ang ANTI-DYNASTY BILL na katagal-tagal nang sadyang pinababayaan ng lehislatura kahit na nakasaad ito sa ating Salingang Batas. Ang kawalan ng isang makabuluhan at may ngipin na batas laban sa dynastya (o mga pamilyang naglalaganapan sa larangan ng pulitika at kapit-tokong nananatili sa puwesto hanggang sa makailang henerasyon) ang siyang ugat ng malubha at walang-katapusang katiwalian sa pamahalaan at ng bulok at pilipit na perahan at putahang demokrasya, lalong-lalo na sa mga pinakamahihirap sa ating lipunan.
May kasabihan, "Power tends to corrupt, and absolute power corrupts absolutely." Habang tumatagal ang mga pamilyang pulitika at ang kanilang kamag-anakan sa poder at sa mga makapangyarihang posisyon ng gobyerno (tulad ng mga Marcos, Floirendo, Enrile, GMA, Abalos, Danding, Binay, Erap at karamihan ng mga nahahalal sa lehislatura at lokal na pamahalaan), sila ay namimihasa sa mga "benepisyo" na dulot ng kapangyarihan. Nag-uumpisa ito sa kakaunting kupit dito at SOP diyan, hanggang sa palaki ng palaki ang ninanakaw sa kaban ng bayan, lalo na't walang naglalakas loob sa mga karaniwang tao na magsita sa kanila. Ang puno't dulo nito ay ang pagbabaliktad ng pag-iisip ng mga pamilyang pulitika. Hindi na masama na kumupit sa kaban ng bayan at karapat-dapat lang silang magpakayaman habang sila ay nasa poder. Pagkatapos ay kapit-tuko nilang ginagamit ang kanilang impluwensiya, kapangyarihan at nakaw sa kaban ng bayan para manatili o mabalik pilit sa poder ang kanilang kamag-anakan hanggang sa makailang henerasyon. At ang pinakamahusay na halimbawa ng ganitong kasakiman para sa kapangyarihan ay ang mga Marcos at kanilang mga alyadong pamilyang pulitika. Hindi pa sila kontento sa nakaraan nilang pag-aabuso at pilit nilang makabalik sa poder upang halayin muli ang ating bayan--at si Digong ang kanilang tutang tagapagtanggol at tagapagtaguyod.
Hindi ba ito rin ang nangyayari sa isang durugista? Nag-uumpisa sa kakaunting tikim at nauuwi sa pagkagumon. Ngunit malaking kaibahan ang pinsala na dulot ng durugista kompara sa pinsala na dulot ng pamilyang pulitika. Tulad ng sinabi ni Digong, tatlong milyong (3 million) durugista ang dapat niyang patayin dahil salot sila sa bayan. Kung tutuusin, halos lahat ng mahigit na isang daang milyong (100 million) mamamayan ng Pilipinas ang apektado sa pagkukupit, pagnanakaw, pagdarambong at pag-aabuso ng karamihan na mga linta-lintaang pamilyang pulitika na siyang sumisipsip sa dugo, lakas, kaluluwa at integridad ng sambayanang Pilipino. Sino ngayon ang mas salot sa lipunan, ang mga adik sa droga o ang mga adik sa kapangyarihan?
Subalit puro droga na lang ang dinidiin ni Digong, palibhasa ay karamihan ng masasagasaan dito ay mga maliliit na tao lamang. Pagkatapos ay panay tulak niya sa FEDERALISM. Ang katunayan ay ang pagdidiin ni Digong sa droga at FEDERALISM ay panggugulo lamang sa isip ng tao--para lang may maipakitang siyang ginagawa--habang ang tunay na adyenda ay palakasin ang mga hanay ni Marcos upang mailuklok bilang pangulo si Bong Bong sa lalong madaling panahon. Nakita na natin kung gaano pinaspasan ni Digong ang paglibing ng diktador sa Libingan ng mga Bayani. At maliwanag pa sa araw na sanay na sanay sa pagnanakaw ang mga Marcos at pati ang paglibing ng diktador ay sadyang hindi pinaalam sa publiko--sa madaling salita, patago at panakaw. At nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan naman si Digong na hindi rin daw pinaalam sa kanya ang tanging araw ng paglibing sa diktator--sinungaling at duwag. Ayaw niyang harap-harapang panindigan ang pinaspasan at patagong paglibing dahil, sa kanyang kinalolooban, alam niya na kataksilan ang ginawa niya sa bayan.
Habang siya ang Pangulo, papaspasan din niya ang lahat ng gawain para si Bong Bong ang sumunod sa kanya bilang Pangulo ng Pilipinas. Mabuti sana kung patas ang laban, ngunit nasa kanila ang kapangyarihan ng pamahalaan at walang hangganan ang salapi na galing sa pandarambong ng mga Marcos na ginagamit sa pagsuhol ng mga botante at ng mga bayaran sa social media upang magkalat ng kasinungaliang nagbubuhat ng ubod na bulok na bangko ng mga Marcos.
Digong, hindi ka namin binoto para magtuta-tutaan sa mga Marcos. Puro utos na lang nila ang sinusunod mo, kaya mas mabuti pa ay umalis ka na diyan. Sa mga balimbing sa kongreso at senado, magpakita naman kayo ng kahit kakaunting utang-na-loob sa mga bumoto sa inyo. Bago ang lahat, ipasa ang katagal-tagal na pinaliban at pinabayaang ANTI-DYNASTY BILL.

Subscribe to:
Comments (Atom)