This blog was initiated as a citizen's protest against the burial of Marcos at the Libingan ng mga Bayani, which then appeared to be the ultimate gesture of Dutae's tyranny. It has since become a chronicle of Dutae's corruption, ineptitude and impunity, as well as the apparent resurgence of the Marcos political dynasty--which breaks my heart. The Philippines has come full circle and is once again in a downward spiral to hell--a repeat of Marcosian tyrannical rulers enslaving the Filipino people.
Wednesday, September 6, 2017
Pangulo ng Pilipinas o Muchacho ni Marcos?
Kung sinabi sa akin ng magnanakaw na handa niyang ibalik sa akin ang bahagi ng kanyang ninakaw, ang una kong gagawin ay dadakipin ko siya. Alam ko na kasi na may ninakaw siya, kaya dapat lang siya dakipin.
Pangalawa, gagawin ko ang lahat para maibalik sa akin yung ninakaw sa mapayapang paraan.
Pero kung wala itong epekto, marahas na paraan ang susunod.
At kung wala pa itong epekto, isa-isa kong papatayin yung angkan ng magnanakaw hanggang sa ubusin ko silang lahat--kasama na yung magnanakaw.
Sana ay bago umabot sa pagpatay ng magnanakaw ay naibalik na niya sa akin yung kanyang ninakaw. Kung hindi naman naibalik at napatay ko na yung magnanakaw at ang kanyang buong angkan, puwede na rin. Palimos ko na lang sa kanila yung ninakaw sa akin. Kahit papano ay nakamit ko na rin yung hustisya.
Tulad ng sinabi sa akin ng kaibigan kong magsasaka, kung mahuli niya yung nagnakaw ng kanyang tanim ay tiyak na tatagain niya ito at pilit niyang ipababalik yung ninakaw sa kanya.
Ang hirap kay Digong ay para wala lang yung ninakaw ng mga Marcos. Handang-handa niyang ipawalang-sala ang kanilang pandarambong. Nag-aabogado pa siya sa panig ng mga Marcos na humingi ng immunity bago ibalik yung kanilang ninakaw sa kaban ng bayan. Tapos magpapanggap na impartial siya sa issue na ito. Nakaka-isulto ito sa sambayanang Pilipino, pati na sa mga walang masyadong pinag-aralan. Dahil karamihan sa atin, nakapag-aral man or hindi, ay nalalaman at nauunawaan na mali ang magnakaw, dapat parusahan ang magnanakaw at dapat ibalik ng kalahatan ng ninakaw sa ninakawan.
Matagal nang alam ng buong Pilipinas na pambihirang magnanakaw ang mga Marcos. Pinapaalala lang nila kung gaano ka inutil ang pamahalaan sa kawalan ng kakayahan na dakipin at parusahan sila noong inalok muli sa yo ang iilan na gold bars na kakarampot lamang sa ninakaw nila sa kaban ng bayan. Ano ngayon ang gagawin mo?
Pinagpapapatay mo ang mga maliliit na tao na palimos lang ang sala kung ihahambing sa napakamalubhang pagsasala at pandarambong ng mga Marcos. Bilang Pangulo at tagapagtanggol ng sambayanang Pilipino, hindi ba dapat lang damputin mo ang buong angkan ng Marcos at tutukan ang bawat isa sa kanila ng baril hanggang sa ibalik nila ang LAHAT ng ninakaw nila sa kaban ng bayan? Lalong-lalo na't kakaunti pa lamang sa kabuuan ng nakaw na yaman ang naibalik ng mga Marcos at ng kanilang mga cronies sa mahigit tatlong dekadang paghahabol sa mapayapang paraan?
Hindi na namin mamasamain ang marahas na paraan kaugnay sa mga Marcos, dahil pinaglalaruan at pinagtatawanan lang nila ang pamahalaan sa legal at mapayapang paraan. Dapat lang na ang marahas mong pamamaraan sa kampanya laban sa droga ay isulong din laban sa mas matinding pandarambong ng mga Marcos.
Sa halip ay para kang tutang-asong dumidila sa puwet ng mga Marcos habang tinatae nila sa mukha mo yung kanilang nakaw na yaman. May tawag sa mga walang imik sa nag-aabusong makapangyarihan habang pumapatay sa mga walang kalaban-laban . . . DUWAG!
Akala namin ipagtatangol mo ang sambayanang Pilipino? Sa halip ay ipinagtatanggol mo ang mga Marcos. Ipinapawalang-sala mo ang kanilang pandarambong at ipinagsasaksakan mo pa na makabalik sa poder si Bong Bong. Kung ang maaasahan lang namin sa iyo ay ang pagmumuchacho mo sa mga Marcos, mabuti pa ay umalis ka na diyan sa puwesto mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment