Ano ba naman iyan? Isang nagpoporno na si Mocha Uson ay pinili ni Digong na maging board member ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Isang nagsabi sa mga taga-Europa na "Mag-child porn muna kayo" ay pinili din ni Digong bilang Assistant Secretary ng DSWD (Department of Social Welfare and Development). Ito namang Secretary ng DSWD, si Judy Taguiwalo, ipinagtanggol pa si Badoy. Dapat tumahimik ka na lang.
Buti kung on-the-job training (OJT) lang ang mga ito. Kahit paano ay natuturuan pa ang mga OJT candidates. Ang hirap ay nagmamarunong at ang babagsik pa ng mga ito sa pagpapahiya sa sambayanang Pilipino, habang sinisuweldohan sila ng ating buwis. Sa madaling salita, winawaldas ni Digong and mahalagang buwis na pinaghirapan ng mamamayan para ipasuweldo sa mga tulad ni Uson at Badoy na wala namang kakayahan o karapatan sa itinalagang katungkulan.
Sa totoo lang ay nakakasira pa sila. Ito ay isang ubod ng kapabayaan ng tungkulin ni Digong (siya ang nag-appoint pero hindi pa niya tinatanggal) at, ang puno't dulo nito, isang malubhang uri ng korapsyon (nananatili sila sa gobyerno dahil tuta-tutaan sila ni Digong).
Tulad ng sinabi ni Trump, "You're Fired!"
No comments:
Post a Comment